-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinagiingat sa ngayon maging ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga spa sa ibat-ibang estado sa Amerika matapos ang nangyaring pamamaril sa ilang spa sa Atlanta, Georgia.

Ito ang ibinahagi ni Bombo International Correspondent Daniel Guden sa Bombo Radyo Koronadal matapos lumbas sa imbestigasyon na anim sa walong namatay sa madugong mass shooting sa tatlong asian spa ay Asyano.

Ayon kay Guden, sa katunayan sinampahan na ng 8 counts of murder ang suspek na si Robert Aaron Long, na nabunyag na isang sex addict.

Sa ngayon, hindi pa rin ikinokonsidera ng kapulisan sa Cherokee County, Atlanta na isang uri ng hate crime ang nangyari.

Napag-alaman na walang trabaho at problema umano ng kanyang pamilya ang suspek na may kagagawan sa krimen.

-- Advertisement --