Pumalo na sa 11,203 ang mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 3,140 dito ay kasalukuyang ginagamot habang 7,248 naman ang gumaling na.

Mayroon namang 815 ang nasawi.

Samantala, walang naitalang bagong gumaling at bagong nasawi sa mga Filipino na nasa ibang bansa.

Nananatili pa rin ang Asia-Pacific na mayroong pinakamaraming kasong naitala, 2,302 naman sa Middle East at Africa at 156 sa Americas.