May kani-kanilang paraan na pagtulong ang ginagawa ng mga sikat na fashion designer sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtahi ng mga protective gear na gagamitin ng mga health workers na siyang nangangasiwa sa mga nadadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Mula ng ilunsad ni fashion designer Mich Dulce ang Manila Protective Gear Sewing Club ay maraming mga nagbigay ng donasyon para makagawa ng maraming protective gear.

Naibigay naman na ni Michael Leyva ang unang batch na ginawa nitong Personal Protective Equipment, head covers at mask sa mga health workers sa bansa.