-- Advertisements --

Pinaigting na rin ng Bureau of Corrections (BUCOR) ang kanilang mga hakbang para matiyak na ligtas sa COVID-19 ang mga bilanggo at mga nagbabantay sa mga piitan.

Ayon kay BUCOR spokesman Asec. Gabby Chaclag, iniiwasan nilang may inmate na mahawaan ng sakit dahil malaki ang tyansang marami ang madamay sa loob ng jail facility.

Tiniyak naman nitong may mga protocol silang pinaiiral para sa kalinisan ng mga bilanggo.

Habang sa panig naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sinabi ni Jail Chief Insp. Xavier Solda na magkaroon pa sila ng dagdag na mga paghihigpit at ilang pagsusuri upang matiyak ang kalusugan ng kanilang mga binabantayan.

Ilan sa hakbang ay pagkakaroon ng limitadong dalaw, checkup, sapat na pagkain at ehersisyo para sa mga nakapiit.