Marami pa ring gumagamit ng pekeng overseas employment certificates.
Ito ang sinabi ni Melvin mabulac, deputy spokesperson ng bureau of immigration, sa kabila ng pagkakaroon na ngayon ng Department of Migrant Workers ng border control information system.
Sinabi ni Mabulac na ang sistemang ito ay naka link sa sistema ng immigration bureau para agad nilang makita ang certificate ng mga aalis na manggagawa.
Ito ang isa sa mga bagong paraan aniya para mas maging madali at mabilis ang pag-proseso sa dokumento ng mga overseas workers.
Gayunpaman, meron pa rin aniyang gumagamit ng pekeng dokumento kaya naman tuloy-tuloy aniya ang pakikipag-koordinasyon ng kagawaran sa DMW para pag-usapan ang iba pang mga paraan sa mas mahusay na serbisyo sa publiko.
Batay aniya sa kanilang pagsisiyasat, karamihan ng mga gumagamit ng pekeng certificate ay mga overseas workers na na-recruit sa pamamagitan ng social media at hindi dumaan sa tamang proseso sa Overseas Workers Welfare Administration, Philippine Overseas Employment Administration at Department of Migrant Workers.
Naniniwala naman si Mabulac na mababawasan o bababa na ang bilang ng mga overseas workers na gagamit ng pekeng employment documents dahil mas maigting na ang kanilang operasyon laban dito.