busds
-- Advertisements --

Inilikas na ng New York Fire Department ang ilang katao na na-stranded sa subway stations dahil sa naganap na flash floods na dulot ng hurricane Ida.

Ayon sa Metropolitan Transportation Authority, binaha ang subway system sa 46 locations kasama ang 65 buses ang hindi nakabiyahe at dalawang Metro North Line trains ang apektado.

Sinuspendi rin ang operasyon ng New Jersey Transit maliban sa Atlantic City Rail Line.

Umaabot sa 200 pasahero na lulan ng New Jersey Transit ang na-rescue sa pagka-stranded.

May mga pasahero rin na inabot ng 10 oras bago natulungan.

-- Advertisement --