Nagsimula nang bumuhos ang mga pasaherong pauwi sa mga probinsya para doon ipagdiwang ang holiday break.

Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Manila Port at bus terminals, nakapagtala na ng higit na mataas na bilang ng byahero kumpara sa karaniwang araw.

Sa Araneta bus terminal, isang konduktor ang nasugatan dahil sa siksikan ng mga tao.

Nabagok ang ulo nito kaya kinailangang isugod sa ospital para tahiin ang tinamo nitong pinsala.

Maliban dito, isang ginang ang hinimatay habang naghihintay ng masasakyang bus.

Agad naman itong binigyan ng first aid bago pinayagang makabyahe.