-- Advertisements --

Ipinag-utos ngayon ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George Ursabia Jr. ang pagpapa-iral ng red alert sa mga pantalan na malapit sa Sulu, kasunod ng naitalang dalawang pagpapasabog.

Batay sa kautusan ng PCG head, sakop ng mataas na alerto ang Southwestern Mindanao, partikular na sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-tawi.

Nakikiagapay na rin ang PCG sa mga tauhan ng PNP at AFP, para sa seguridad sa nasabing mga lugar.

“Following two explosions that transpired in Jolo, Sulu today, 24 August 2020, Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George V Ursabia Jr has declared ‘red alert’ in the entire region of Southwestern Mindanao to include Zamboanga, Basilan, Sulu, and Tawi-tawi,” saad ng abiso mula sa PCG.

Kaya naman, asahan na raw ang pagpapakalat ng PCG K9 units, safety inspectors at patrol boat operators sa paligid ng mga pier.