-- Advertisements --
Napuno ang mga paliparan sa China matapos ang pagsisimula ng pagbubukas na nila ng kanilang borders sa mga international visitors sa unang pagkakataon mula ng ipatupad ang travel restrictions noong March 2020.
Lahat ng mga papasok sa China ay hindi isinasailalim sa quarantine pero kailangan pa rin nilang magpakita ng negatibong PCR test na kinunan sa loob ng 48 oras ng pagbiyahe.
Sa Hong Kong lamang ay inaasahan na aabot sa 400, 000 katao ang magtutungo sa mainland China sa mga susunod na linggo.
Humaba na ang pila ng mga paliparan sa Beijing at Xiamen.