LEGAZPI CITY- Ibinabala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang posibleng pagkakaroong mga paguho ng lupa hanggang sa mga susunod na araw, dahil sa epekto ng bagyong Quinta.
Paliwanag ni MGB Bicol Director Guillermo Molina Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakita sa projections ng geologists na posibleng magsimulang makapagtala ng paguho ng lupa sa ilang bahagi ng rehiyon bukas ng madaling araw hanggang sa Oktubre 28 dahil sa epekto ng malakas na mga pag-ulan.
Dahil dito, nagbigay ng direktiba ang opisyal sa mga local government units na nasa landslide at flood prone areas na i-monitor ang sitwasyon sa mga nasasakupan na lugar hanggang sa susunod na mga araw.
Pinaghahandaan kasi ang paglambot ng lupa dahil sa epekto ng naturang sama ng panahon na nagdulot ng mataas na accumulated rainfall.
Dagdag pa ni Molina na batid na rin ng mga residente ang sitwasyon sa kanilang mga lugar kaya ang mga ito na mismo ang dapat na magpatupad ng ibayong pag-iingat.