Nagpaabot ng kanilang pagdarasal para sa mabilisang paggaling ni Queen Elizabeth II ang mga mambabatas ng United Kingdom.
Pinangunahan ni Prime Minister Liz Truss kung saan naantala ang debate sa House of Commons matapos na dumating ang balita sa kanila.
Matapos kasi na nakarating sa kanila ang impormasyon ay agad na umalis sa chamber si Truss kasama si Labour Leader Sir Kier Stramer.
Ilan sa mga nagpaabot ng pagdarasal para sa mabilisang paggalin ng reyna ay sina Scottish First Minister Nicola Sturgeon, Wales first minister Mark Drakeford, Liberal Democrat leader Sir Ed Davey, dating Conservative Prime Minister David Cameron at dating Labour prime minister Tony Blair.
Magugunitang nagtungo na sa Balmoral Castle sa Scotland ang mga miyembro ng Royal Family habang patuloy ang pagdami ng mga tao ang nagtutungo sa Buckingham Palace para ipaabot na gkanilang pagdarasal.
Nauna ng pinayuhan na ng kaniyang doctor si Queen Elizabeth II na kanselahin ang mga meetings nito dahil sa paghina ng kaniyang kalusugan.