-- Advertisements --

Naglunsad ng 4.4-kilometrong inspeksyon sa EDSA mula Makati hanggang Pasay noong Disyembre 9 ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), the Department of Public Works and Highways (DPWH), at ilang miyembro ng Move As One Coalition (MAOC) upang suriin ang kalagayan ng mga pedestrian, commuter, at transportasyon.

Natukoy sa inspeksyon ang ilang problema tulad ng hindi pantay na sidewalks, baradong o hindi maayos na ramps para sa mga PWDs, basura, at iba pang panganib sa mga naglalakad at nagbibisikleta.

Ayon sa DPWH, magsisimula ang renovation sa EDSA sa unang bahagi ng 2026, na naglalayong gawing mas ligtas at accessible ang mga daanan.

Binigyang-diin pa ng mga opisyal ang kahalagahan ng people-centered solutions at kooperasyon ng publiko upang maging matagumpay ang proyekto.