-- Advertisements --

Nagnegatibo sa suprise drug test ang nasa 72 generals at colonels ng National Capital Region Police Office.

Ayon sa NCRPO na kabilang dito na nagnegatibo sa drugtest ay ang kanilang hepe na si Police Major General Jonnel Estomo kasama ang mga third-level commissioned officers ng police office.

Lahat aniya ng 72 urine samples sa surprise drug test ay sumailalim din sa confirmatory test ng PNP Crime Laboratory Field Office sa Camp Bagong Diwa.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagsagawa ang NCRPO ng surprise drug test sa mga kapulisan nito sa PCamp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.

Magpapatuloy aniya ang kanilang random drug testing para tuluyang masawata ang mga kapulisan na gumagamit ng iligal na droga.