-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople na hindi na pagsuotin ng Personal Protective Equipment (PPE) ang mga overseas Filipino workers na umaalis sa mga paliparan ng bansa.
Iginiit ng kalihim na ang pagsusuot ng PPE ay hindi pinahintulutan ng DMW at POEA.
Naglabas na rin ng kautusan si POEA officer-in-charge Bernard P. Olalia sa mga recruitment agencies na itigil na ang pagpapasuot ng PPE bilang requirment sa pagbiyahe.
Una ng pinuna ni Senator Pia Cayetaon at ibang mga mambabatas na ang pagpapasuot ng PPE sa mga umaalis na OFW ay outdated na.