-- Advertisements --

Umalma na ang Filipino-Chinese businessmen dahil sa pag-iwas daw sa kanila mula nang magkaroon ng coronavirus outbreak.

Ayon kay Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. President Henry Lim Bong Liong, ang kailangan ngayon ng mga Chinese ay suporta at pagpapataas ng moral dahil sa pagkalat ng mga maling impormasyon.

Sana aniya ay huwag mag-panic ang lahat at magtulungan na lamang para malabanan ang pagkalat ng nakakamatay na virus.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag kutyain ang mga Chinese kahit pa sa kanilang bansa nagmula ang nasabing virus.