-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 01 18 01 23
IMAGE | Makati skyline/Make It Makati

Tiniyak ng ilang mga kilalang negosyante at bilyonaryo sa bansa na ibibigay nila ang suporta sa gobyerno at ang serbisyo sa publiko habang ang bansa ay nahaharap sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Tessie Sy-Coson ng SM Group, naglaan sila ng P100 million na suporta para sa mga government hospitals, kabilang ang Philippine General Hospitals at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Magbibigay din sila ng personal protective equipment (PPE), COVID-19 test kits, alcohol at ibang mga medical supplies para sa mga medical frontliners.

Ang pamilya Sy ng SM Group ang itinuturing na pinakamayamang bilyonaryo sa Pilipinas.

Habang ang Ayala group of companies sa pamamagitan nina Jaime Augusto Zobel de Ayala ay tiniyak na walang mangyayaring anumang problema sa mga serbisyo na kanilang telecommunications, water distributions, cash availability at pharmacies.

Siniguro naman ni Manuel V. Pangilinan ng MVP Group of Companies na maibibigay nila ang mga sahod at benipesaryo na mga empleyado nila habang nasa enhanced quarantined period ang buong Luzon.

Una nang pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Ramon Ang ng San Miguel Corp. na nangako rin ng malaking tulong na idadaan sa DSWD.

Ang iba pang mayayaman ay pinakiusapan din ng Presidente na mag-ambag ng tulong habang nasa krisis ang Pilipinas at ang buong.