-- Advertisements --
Aminado ang mga nasa business sector na labis nang apektado ang kanilang mga negosyo dahil sa umiiral na lockdown.
Pero ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, pabor pa rin ang 90 percent ng mga negosyante sa pananatili ng quarantine para sa kaligtasan ng lahat.
Sinabi ni Concepcion na nagpa-survey sila para kunin ang saloobin ng nasabing sektor.
Alam naman daw ng mga investor na hindi lang sa Pilipinas ang ganitong sitwasyon dahil isang pandemic ang nakakaapekto sa halos lahat ng bansa ngayon.
Tiniyak naman nitong nagbabalangkas ang pamahalaan ng mga programang makakatulong sa small at medium entrepreneurs na pangunahing naapektuhan ng tatlong linggong quarantine.