-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil sa sunog sa unang tatlong buwan ng 2023.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na mayroong 3,991 na insidente ng sunog ang naiulat mula Enero 1 hanggang Abril 17, 2023.

Ang nasabing bilang ay mas mababa ng 10 percent kumpara noong nakaraang taon sa parehas na buwan na mayroon 4,448 na sunog.

Ang mga bilang ng nasawi dahil sa sunog ay aabot sa 124 kung saan 121 dito ay mga sibilyan at tatlo ang mga bumbero.

Mas mataas ito sa nakaraang taon na mayroong 87 lamang na 85 ay sibilyan at dalawa ang sundalo sa unang tatlong buwan ng 2022.

Karamihan sa mga insidente ng sunog aniya sa mga residential area.

Dahil dito ay patuloy ang ginagawa nilang kampanya sa publiko kung paano maiwasan ang nasabing sunog.