-- Advertisements --

Nasa mahigit isang milyon na ang nasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon lamang.

Ayon sa World Health Organization (WHO), isang nakakalungkot na balita ito dahil sa may mga kaparaanan na sana para ito ay malabanan.

Mula ng ma-detect ang nasabing virus noong 2019 ay mayroon ng mahigit anim na milyon ang nasawi.

Sinabi pa ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi masasabing nagtagumpay na ang mundo sa paglaban sa COVID-19 kung mataas pa rin ang bilang ng mga nasasawi dahil sa virus.