-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nasabat ng mga awtoridad ang humigit kumulang 2,000 board feet ng narra sa isang ilog sa sa Cabisera 10-21, Ilagan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga kawani ng Provincial Environment and Natural Resources, kaagad silang nagtungo sa ilog upang kumpirmahin ang ipinadalang impormasyon ng isang concerned citizen na may ipinapaanod na mga illegal na pinutol na kahoy sa ilog.
Nasamsam ng mga kasapi ng Provincial Task Force ang mga narra flitches na ipinaaanog sa ilog na hinihinalang galing sa kabundukan ng San Mariano, Isabela.
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng operasyon ang PENRO sa nabanggit na lugar ngunit kaagad na nakakatakas ang mga taong sangkot sa illegal logging.