-- Advertisements --
Sinampahan na ng PNP ang dalawang babae na naaktuhang namemeke ng mga resulta ng COVID-19 test sa Pasong Putik, Quezon City.
Sinabi ni Police Lt. Col. Robert Domingo, hepe ng CIDG-QC District Field Unit, na nagsumbong sa kanila ang isang doktor matapos na gamitin ang kaniyang pangalan sa paglalabas ng mga pekeng resulta ng COVID-19 test results.
Agad nilang isinagawa ang entrapment at naaresto ang mga suspek.
Patuloy ang pagbabala ng mga kapulisan sa nasabing pamemeke ng COVID-19 test result dahil ito ay panganib sa mga mamamayan.