Miller Mac
Mac Miller

Paghahatian ng mga kaibigan at pamilya ang yaman na naiwan ng pumanaw na American rapper na si Mac Miller.

Nakasaad sa kaniyang kabuuang yaman na aabot ito ng mahigit $11.3 million.

Ilan sa mga makakakuha ng mga gamit ay ang malapit na kaibigan nito.

Ang mga damit at electronics gaya ng TV, laptop, iPads at iba ay mapupunta sa kaibigan nitong si Bryan Johnson habang ang kaibigan nitong si Q Chandler-Cuff ay makukuha ang mahigit 20 na alahas nito.

Ang malapit na kaibigan nitong si Dylan Rectenwald, ay pamamanahan naman ng musical instruments at equipment.

Makukuha naman ng pamilya nito ang kabuuang $5 milyon mahigit na pera nito sa bangko.

Magugunitang noong nakaraang taon ay nakitang wala ng buhay ang 26-anyos na singer dahil sa drug overdose.