-- Advertisements --

ILOILO CITY- Umabot na sa 108 ang mga nahawaan ng COVID-19 sa Iloilo City Hall.

Sa nasabing bilang, 25 ang new cases mula sa ibat-ibang department.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, pinuno ng Public Safety and Transportation and Management Office at tagapagsalita ng COVID-19 team ng Iloilo City Government, sinabi nito na karamihan sa mga nagpositibo sa virus ay naka quarantine na.

Nitong Setyembre 28, naitala ang 54 mga kaso mula sa iba’t-ibang department at 29 ang nagmula sa City Treasurer’s Office na siyang origin ng COVID-19 sa Iloilo City Hall.

Nagpapatuloy naman ang contact tracing sa naka-close contact ng mga infected ng virus.