-- Advertisements --

NAGKALAT NA MGA BILLBOARDS SA MGA KALSADA, NAIS PAIMBESTIGAHAN NI REVILLA

LOOP: LED BILLBOARDS // KALSADA NA MAY MGA MALALAKING BILLBOARDS // REVILLA // SENATE

Nais paimbestigahan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang nagkalat na mga billboards sa mga kalsada na nagdudulot ng panganib sa publiko.

Sa inihaing Senate Resolution No. 924 ni Revilla, iginiit nito may kaakibat na panganib sa mga road users ang naglalakihang mga LED billboards sa mga lansangan.

Sinabi ni Revilla na ang mga LED billboard ay nagdudulot ng distractions sa mga taong bumabagtas sa mga kalsada dahil sa mga nakasisilaw na ilaw, gayundin ang mga motion billboard.

Hindi lamang ito aniya maituturing na driving distraction at hazard, dagdag pa sa pangamba ang structural stability kapag humampas na ang mga malalakas na bagyo.

Ipinaalala rin ng senador na naglabas na noon ang gobyerno ng Executive Order (EO) No. 165 para sa pagsusuri sa mga out-of-home advertising signs at billboards upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Inihayag ni Revilla na target niya sa isasagawang pagdinig na malaman kung sumunod ang mga operator at may-ari ng mga billboard sa mga regulasyong ipinatutupad ng pamahalaan.