Tumaas ang bilang ng mga digital banking sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na mayroong 94 percent ang pagtaas ng mga nagbukas ng kanilang e-money account mula sa dating 17.9 milyon ay naging 34.7 milyon na ito.
Isang dahilan nito ay dahil sa karamihang mga tao ay nasa bahay na lamang at nalimitahan ang paglabas kay minabuti ng marami na gumamit na lamang ng mga online payment.
Maging ang mga Filipino na nagbukas ng kanilang bank account sa bansa ay tumaas ng 29 percent.
Target kasi ng BSP na makahikayat ng 70 percent ng populasyon ng bansa na makapagbukas ng sariling bank account.
Malaking tulong aniya ang mga digital payment para tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa lalo ngayong panahon ng pandemya.