-- Advertisements --
Tinatanggal na ng mga opisyal ang ilang bahagi ng mga tatlong tren na nagbangaan sa India.
Kasabay din nito ay tinapos na rin ng mga rescuers ang paghahanap ng mga maaring survivors sa insidente.
Una ng sinabi ng mga otoridad na nagkaroon ng aberya sa kanilang signaling system kaya naganap ang aksidente.
Nakalabas na rin sa pagamutan ang mahigit na 900 katao habang patuloy na ginagamot ang 260 na iba pa.
Nais din ng Railway officials na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Central Bureau of Investigation para mapanagot ang nasa likod ng aksidente.
Magugunitang nasa halos 300 katao ang nasawi at mahigit 1,000 ang sugatan ng magbangaan ang tatlong tren.