-- Advertisements --

Mayroong ng mahigit 11 milyon doses ng coronavirus vaccines ang naiturok sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito mismo ang ipinagmalaki ni testing czar Secretary Vince Dizon.

Dagdag pa nito na sa loob lamang ng apat na araw ay nakapagbakuna na ang bansa ng isang milyon.

Itinuturing na isa ito sa pinakamabilis na pagpapabakuna mula ng simulang vaccination drive.

Kung mabilis lamang ang dating ng mga suplay ng bakuna ay makakamit nila ang target na 500,000 na mababakunahan sa loob ng isang araw.

Sa kasalukuyan lamang ay mayroong 250,000 kada araw ang kanilang nababakunahan.