Kampante si Senate Committee on Foreign Relations Chairperson, Sen. Imee Marcos sa katatagan ng bagong majority bloc ng Senado.
Sa isang panayam, natanong ang presidential sister ukol sa kasalukuyang estado ng mayorya, mahigit isang linggo mula noong ito ay mabuo.
Ayon sa senador, nananatiling matatag at solido ang 13 mga miyembro ng majority.
Ito ay kahit pa umano madalas na ‘ginugulo’ ang mga miyembro ng naturang bloc.
Natanong din ang senador kung posible bang may ‘maghuhudas’ o magtatakwil sa mga miyembro ng mayorya, ngunit pinasinungalingan din ito ng presidential sister.
Mayo-13 noong nabuo ang bagong Senate majority bloc na naging daan para tuluyang mahalal bilang Senate President si Sen. Allan Peter Cayetano.
Binubuo ito ng 13 senador na kinabibilangan ni Sen. Ronald Dela Rosa na agad ding nawala matapos ang matagumpay na leadership change.
Ayon kay Marcos, tuloy-tuloy pa ring kinakausap ang mga miyembro ng majority hanggang sa ngayon, para lamang lumipat ng alyansa.














