Nakatakdang magko-convene ngayong araw ang mga miyembro ng Kamara bilang “Committee of the Whole.”
Layon nito na talakayin ang Resolution of the Both Houses No. 7, kung saan isinusulong ang economic Charter Change o Cha-Cha.
Sa regular session kahapon, inaprubahan ang mosyon na i-constitute ang Kamara bilang Committee of the Whole para sa isinusulong na pag-amyenda sa tatlong economic provisions na nakapaloob sa 1987 Constitution.
Si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang magsisilbing chairman ng Committee of the Whole.
Habang si House Majority Leader Manuel Dalipe ang senior vice chairman.
Sina House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. at House Deputy Speaker David Suarez ay kapwa magsisilbing vice chairman ng Committee of the Whole.
Samantala magsisilbi namang floor leader si Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, at assistant floor leaders sina Reps. Janette Garin, Lorenz Defensor at Marlyn Primicias-Agabas.
Magsisimula ang trabaho ng Committee of the Whole ngayong araw Feb. 21, 2024.
Mag convene ang Committee of the Whole mamayang ala-1:00 ng hapon sa plenaryo ng Kamara.
Samantala, binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na kailangan ng amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Nais ng Presidente na gawin ito ng tahimik ng dalawang kapulungan na pangungunahan ng Senado.