Ipinakita na sa publiko ang mga medalya na ipapamahagi sa Paris Olympics at Paralympics ngayong taon.
Ayon sa organizers na ang mga medalya ay naglalaman ng hexagon shape na piraso ng bakal na kinuha mula sa orihinal na Eiffel Tower sa gitna.
Lahat aniy an 5,084 na gold, silver at bronze medals para sa Paris Games ay makikita ang six-edged metal medallion na ginawa ng sikat na French jewelry house Chaumet.
Sinabi pa ni Tony Estanguet ang namumuno sa local organizing committee na nais nila na ang lahat ng mga mananalo ay magkaroon ng orihinal na bahagi ng Eiffel Tower mula pa noong 1889.
Ang bakal ay kinuha sa bodega sa Paris kung saan itinatago ang mga pinutol na mga bakal ng kumpanya na siyang nag-aalaga sa 330-metro na landmark.
Lahat din ng mga bakal na ginamit sa medalya na nagtitimbang ng kalahating kilo ay galing sa recycle.