-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagpulong ang mga alkalde sa Isabela kung saan pinag-usapan ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine restriction ngunit nakasalalay pa rin sa magiging pasya ng Provincial Government.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy ng Cauayan City, sinabi niya na may nakabinbin na kahilingan ang mga alkalde na pagpapatupad ng MECQ at ECQ sa Isabela dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19.

Sinabi niya na maraming dapat ikonsidera ang mga lokal na pamahalaan sa nasabing kahilingan tulad ng ipamimigay na ayuda sa mga maapektuhan, mga panuntunang ipapatupad.

Aminado naman si Mayor Dy ang kagustuhan ng mga Mayor at City Mayor sa Isabela ay kasalukungat sa kagustuhan ng national government na unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Naninindigan naman siya sa pagpapatupad ng calibrated lockdowns sa mga apektadong lugar na nakakapagtala ang COVID- 19 cases.

Sinabi pa niya na kapag nagpatupad ng mas mahigpit na quarantine status ay pangunahing maapektuhan ang mga residenteng naninirahan sa forest region, mga manggagawa at magsasaka maliban pa sa inaasahang apekto nito sa transportasyon pangunahin sa Cauayan City Airport.

Sinisikap anya nilang mapigilan at mapababa ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID 19 sa Cauayan City.