-- Advertisements --

Nananawagan ang transparency watchdog na Pinoy Aksyon sa pamahalaan na tutukan ang kalagayan ng mga mangingisda sa Masinloc, Zambales.

Ito’y dahil sa nararansang nilang hirap bunsod ng ginagawang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa grupo, hindi na kinakaya pa ng mga kababayan nating mangingisda ang hirap na nararanasan bunsod ng patuloy na pangha-harass ng China.

Hindi na rin sila makaahon sa kasalukuyang hirap na nararanasan lalo’t unti-unting nawawala ang kanilang kabuhayan.

Dahil dito, apektado na ang kalagayan ng kani-kanilang pamilya dahil wala na silang mapagkukunan pa.

Idinaaan na rin sa music video ng nasabing grupo ang panawagan ng mga mangingisda upang malaman ng publiko at mga nakaupo sa gobyerno ang kanilang kalagayan.