-- Advertisements --
Makakatanggap simula sa Disyembre 7 ng dagdag sahod ang mga manggagawa ng pribadong sektor na nasa MIMAROPA Region.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) Oriental Mindoro na mayroong dagdag na P40 sa arawaang sahod ng mga manggagawang nasa pribadong kumpanya.
Ang mga kasambahay naman sa nasabing rehiyon ay may dagdag na P1,000.
Dahil dito ay magiging P395 na ang arawang sahod ng mga kumpanya na mayroong mahigit 10 manggagawa habang P369 lamang ang kumpanya na mayroong 10 empleyado pababa.
Ang nasabing bagong taas sahod ay makikinabang dito ang 46,861,000 na manggagawa sa rehiyon matapos na aprubahan ito ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.