-- Advertisements --

Sasabak na sa kanilang trabaho ang mga mambabatas, ngayong balik session na ang KAamara, matapos magbukas kahapon ang 19th Congress.

Alas-2:00 mamayang hapon nakatakda ang session na dadaluhan ng mga mambabatas.

Umaga pa lamang kanina naghahanda na ang mga staff ng Kamara at inihahanda na rin ang Plenary Hall kung saan gagawin ang session.

Kahapon nasa 310 House members 1st Regular session.

Asahan na tatalakayin ng mga mambabatas ang mga inihaing priority measures ni PangULONG Bongbong Marcos kung saan naka pokus ito sa economic recovery ng bansa.

Una ng sinabi ni Speaker of the House Rep. Martin Romualdez na ang kanilang magiging cue ay ang mga inilatag na measures ng Pang. Marcos sa kaniyang SONA.

Nasa 19 na priority bills ang inilatag ni PBBM sa kaniyang SONA.

Ito ay ang mga sumusunod:

  1. National government rightsizing program
  2. Budget Modernization bill
  3. Tax Package 3: Valuation Reform Bill
  4. Tax Package 4: Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act
  5. E-Governance Act
  6. Internet Transaction Act
  7. Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery
  8. Medical Reserve Corps Act
  9. National Disease Prevention Management Authority bill
  10. Creation of the Virology Institute of the Philippines
  11. Department of Water Resources Act
  12. Unified System of Separation, Retirement and Pension
  13. E-Governance Act
  14. National Land Use Act
  15. Amendments to the National Defense Act
  16. Bill on mandatory Reserve Officers’ Training Corps
  17. Enabling law for the natural gas industry
  18. Amendments to the Electric Power Industry Reform Act
  19. Amendments to the Build-Operate-Transfer Law
  20. Samantala, sa panig naman ni Rep Joey Salceda, batay sa kanilang pagbilang nasa 18 bills lang ang ang nabanggit ni PBBM dahil ang E-Governance Act ay duplicated sa listing.
  21. Aniya, 10 sa 18 bills ay aprubado na on 3rd reading. May tatlo pang iba na measures ang nabanggit pero hindi listed sa 18 bills ay approved na rin on 3rd reading.