-- Advertisements --
Opisyal nang naging isang Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA 09d) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Pinangalanan itong “Mirasol” na siyang ika-13 sama ng panahon ngayong taon.
Samantala, patuloy pa ring minomonitor ang isa pang LPA (09c) na nasa loob din ng PAR.
Gayunpaman, ayon sa weather bureau, mababa ang tyansa nitong maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at regular na mag-monitor ng mga update mula sa proper agency.