-- Advertisements --
Dinala na sa Bureau of Customs (BOC) ang 7 luxury cars ng mag-asawang Discaya.
Kaninang alas-2 ng madaling araw ng isa-isang inilabas ng BOC ang mga sasakyan sa compound ng mag-asawang Sara at Curlee Discaya sa Pasig City.
Kasama ng BOC ang PNP Highway Patrol Group (HPG) at bantay sarado ang nasabing paglabas ng mga sasakyan.
Magugunitang nagpasya ang mag-asawang Discaya na isurrender ang kanilang mga luxury cars na galing sa ilang bilyong pisong kontrata nila sa flood control projects sa gobyerno.
Tiniyak din ng mag-asawa na makikipag-tulungan sila sa imbestigasyon na isinasagawa ng mga otoridad at handa silang sambitin ang mga sangkot sa kurapsyon.