-- Advertisements --
Nahaharap sa problema ang mga mamamayan ng Sudan na lumilikas patungo sa border na Egypt.
Kumapal ang pila ng mga tao para makasakay sa bus sa Argeen ang isa sa dalawang tawiran sa border ng Sudan at Egypt.
Magkahalong pagod at gutom ang mga lumilikas kabilang ang mga bata, matanda at mga may sakit para takasan ang patuloy na kaguluhan sa Sudan.
Napipilitan ang mga ito na maghintay ng masakyan sa tirik na araw ng walang tubig at pagkain.
Umabot na sa halos 500 katao ang nasawi kung saan may ilang mga mamamayan pa ng Sudan ang naipit sa Khartoum ang sentro ng kaguluhan.
Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong United Nations sa mga naiipit sa giyera kung saan sinasamantala nila ang ibinigay na dagdag na 72 oras na ceasefire.