-- Advertisements --

Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number one (1) dahil sa bagyong Ambo.

Ayon kay Pagasa forecaster Aldczar Aurelio, kasama sa mga nasa unang babala ang Northern Samar, northern portion ng Samar (Calbayog, Sta. Margarita, Gandara, Matuguinao, Pagsanghan, San Jorge, San Jose De Buan, Tarangnan, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, San Sebastian, Paranas, Hinabangan) at northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Oras, San Policarpio, Dolores, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian).

Huling namataan ang sentro ng tropical storm Ambo sa layong 360 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Bumagal ang kilos nito habang pahilagang kanluran ang takbo, kaya maaaring abutin pa ng hanggang susunod na linggo sa teritoryo ng Pilipinas.

May lakas itong 85 kph at pagbugsong 105 kph.

Pero habang papalapit sa lupa ay maaaring umabot pa ito sa typhoon category na posibleng maging mapaminsala sa Bicol at mga karatig na lugar.