-- Advertisements --
image 613

Hinimok ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga lokal na pamahalaan sa paligid ng Taal Volcano na tiyakin ang kalagayan ng kanilang mga nasasakupan, sa gitna ng epekto ng volcanig smog na mula sa bulkan.
Nais ding matiyak ng DOST na walang mga residenteng patuloy na nakatira sa mga lugar na malapit sa active volcano island.
Sinabi ni DOST Sec. Renato Solidum, matagal na nilang inirekomenda ang “no man’s land” ang area ng Taal Volcano area.
Malinaw kasing nasa loob ito ng permanent danger zone at mahirap para sa mga mamamayan na lumikas kung sasabog ang bulkan dahil nasa gitna ito ng Taal Lake.
Babala ng kalihim, mapanganib sa isla dahil sa ngayon ay muling naging madalas ang pagbubuga ng abo at asupre ng bulkan.
Mahalaga aniyang mapangalagaan ang kalusugan laban sa volcanic materials at vog ng Taal.
Payo pa ng opisyal, panatilihin ang paggamit ng face mask, lalo na ng mga may dati nang karamdaman sa kanilang pangangatawan.