-- Advertisements --
Ilang brand ng ham at queso de bola ang nagbaba ng presyo ngayong taon, batay sa Noche Buena Price Guide ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa 256 na produktong nakalista, 129 ay nanatiling pareho ang presyo mula noong nakaraang taon, habang 95 ang tumaas nang bahagya dahil sa mas mataas na gastos sa sangkap, packaging, at labor.
Ayon sa DTI, ang mga presyo sa listahan ay epektibo hanggang Disyembre 31, 2024, bilang gabay sa mga mamimili sa darating na kapaskuhan.






Nagpaalala naman ang DTI sa mga mamimili na ugaliing suriin ang presyo ng mga produkto bago bumili at gayundin ang pag-check a mga label nito.
















