Magsasama-sama ang mga local singers sa bansa para sa isang concert na inilaan para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Isasagawa ang “Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation” sa Cuneta Astrodome sa Pebrero 1.

Ang nasabing concert ay naisipang gawin ng beteranong composer na si Vehnee Saturno.

Makakasama sa fund raising concerts sina Kaki Bautista, Bayang Barrios, Angeline Quinto, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Robert Seña, The Company, Poppert Bernadas, Ebe Dancel, Jaya, Aicelle Santos at Frenchie Dy.