-- Advertisements --
PLTGEN ARCHIE FRANCISCO GAMBOA
PLTGEN ARCHIE FRANCISCO GAMBOA/ PNP FB

Tiniyak ni PNP OIC (Philippine National Police officer-in-charge) Lt. Gen. Archie Gamboa na mananagot ang sinumang lalabag sa kanilang “no take policy” partikular ang pagtanggap ng pera mula sa illegal number games, illegal drugs at mga negosyante.

Ayon kay Gamboa, malaking hamon ito para sa bagong talagang Directorate for Intelligence (DI) na si M/Gen. Mariel Magaway na ipatupad ang lahat ng polisiya na inilabas ng national headquarters.

Palalakasin aniya ng PNP ang kanilang intelligence monitoring laban sa mga pasaway na pulis.

“Part of his job (MGen. Magaway) ng kaniyang tasking wether to see to it that all policies emanating from the national headquarters are implemented.”

“I think you will only believe kung meron nang ma-charge. We will see, open din ito sa public kaya sinasabi ko itong kampanyang ito will not be ours alone.So kailangan namin ang tulong ng publiko,” ani Gamboa.

Dagdag nito na sasampahan nila ng kaso ang mga pulis na mapatunayang lumabag sa nabanggit na polisiya.

Samantala, nakadepende sa rekomendasyon ng directorial staff kung kanilang ipapatupad ang “one strike policy.”

” I will just lay down the policy, sila yung maglalatag how to implement it and I am giviing them enough time come out implementing regulations. If we have to implement the 1 strike policy it will depend on their recommendation,” pahayag ng PNP-OIC.