-- Advertisements --
Magkakasabay na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Kaninang ala-sais ng umaga ng ipatupad ang dadaga na P1.40 sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang dagdag na P0.50 sa kada litro ng diesel at P0.20 sa kada litro ng kerosene.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na nagkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa oil market kaya nagtaas ang presyo ng langis.
Kinabibilangan ito ng tensiyon sa mga banking crisis dahil sa pagsasara ng dalawang malaking bangko sa US at Europa ganun din ang pagtigil ng suplay sa Turkey.