-- Advertisements --
Screenshot 2020 04 29 15 31 08 55

Muling nagpaalala ang Supreme Court (SC) sa mga korteng nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula Mayo 1 hanggang 15 2020 na kailangang bukas na ang mga ito sa Mayo 4.

Lahat ng mga korte na nasa GCQ areas ay kailangang mag-operate mula alas-9:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Sa Luzon area, sa Region I dapat magbukas ang lahat ng korte maliban sa Pangasinan; Region II; Region III-Aurora; Region IV-B maliban sa Oriental Mindoro at Occidental Mindoro at Region V maliban sa Albay at Catanduanes.

Sa Visayas Region, kailangang magbukas din ang mga korte sa Region VI maliban sa Aklan, Antique, Capiz at Iloilo, Region VII maliban sa Cebu at Cebu City at Region VIII.

Sa Mindanao, magbubukas din ang mga korte sa Regions IX, X, XI maliban sa Davao del Norte, Davao City at Davao de Oro, Region XII at ARMM.

Ang mga night courts at Saturday courts naman ay mananatiling suspendido hanggang May 15.

Pero ayon sa SC, bagamat bukas ang mga ito ay paiiralin pa rin ang skeleton-staff para i-assist ang mga judge at aakto lamang sa mga urgent matters.

Sa exceptional circumstances, ang mga judges at court personnel na may edad 59-anyos pataas at mayroong medical conditions na maikokonsiderang vulnerable na madaling dapuan ng covid ay mag-report lamang sa mga mahahalagang bagay.

Kapag ang trabaho naman nila ay may kaugnayan sa draft orders at decisions, magsasagawa ng legal research, transcribe stenographic notes ay puwede na silang magtrabaho sa kanilang mga bahay o puwede dito ang work from home.

Mahigpit naman ang paalala ng Korte Suprema na dapat ay walang court records ang ilalabas sa mga korte.