Lucban PNP
Lucban Municipal Station

Nahaharap ngayon sa imbestigasyon ang mga kasapi ng Lucban Municipal Police Station dahil sa social media post nila ng anti-sexual advisory.

Ayon sa PNP Public information Office, na pinagpapaliwanag na nila si Lucban chief of police Police Major Rizaldi Merene at ilang mga kapulisan dahil sa nasabing advisory.

Makikita sa advisory na tila sinisi pa nila ang mga babae kung saan hindi dapat sila magsuot ng mga maiiksing damit para hindi sila bastusin.

Bagamat tinanggal na ang nasabing post ay inalmahan ito ng maraming mga netizen kung saan hindi dapat ipasa ang sisihin ang mga kababaihan sa mga nangyayaring panggagahasa sa mga ito.