Pacquiao
-- Advertisements --

Bumuhos pa rin ang pagbati kay Senator Manny Pacquiao kahit na hindi ito nagtagumpay sa laban kay Yordenis Ugas sa kanilang WBA “super” welterweight championship.

Sa kanilang mga social media account ay nagpost ang mga kapwa nitong mga senador ng kani-kanilang mga pagbati.

Ipinagmamalaki pa rin nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Grace Poe, Sen. Koko Pimentel, Sen. Bong Go ang kapwa nilang senador.

Maging mga local celebrities ay nagpaabot na rin ng kanilang mga pagbati sa fighting senator.

Magugunitang napanatili ni Ugas ang kaniyang titulo sa pamamagitan ng unanimous decision.

-- Advertisement --

Ang korona ni Ugas ay dating hawak ni Pacman.