Lebanon
Lebanon

Maraming mga pangunahing kalsada ang hinarangan ng mga nagsagawa ng kilos protesta sa Lebanon.

Bukod pa ito sa malaking rally sa labas ng presidential palace sa Baabda sa southern Beirut.

Nauna ng nagbitiw sa kaniyang puwesto si Prime Minister Saad Hariri noong nakaraang na siyang hiniling n mga anti-government protesters.

Hinihintay pa ng mga protesters ang gagawing konsultasyon na isasagawa ni president Michel Aoun.

Patuloy ang pagsisigaw ng mga protesters ng pagbibitiw sa puwesto ni Aoun.