Magbibigay ng libreng sakay sa mga kababaihan sa MRT ngayong araw bilang pakikibahagi sa International Women’s Day.

Ayon sa Department of Transportation, magsisimula ang libreng sakay sa mga kababaihan mula 7 a.m. hanggang 9 p.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Dahil dito ay nagtalaga na sila ng mga karagdagang guwardiya dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga kababaihan.

Ang nasabing hakbang ay taunang ginagawa ng ahensiya.