-- Advertisements --

Ikinagalit ng mga Republicans officials sa US ang ginawang pag-search ng FBI sa Mar-a-Lago estate ni dating President Donald Trump.

Sinabi ni dating US Vice President Mike Pence na dapat magkaroon ng “full accounting” si US Attorney General Merrick Garland sa hakbang na ginawa nito.

Nababahala kasi ito sa walang kuwentang pag-search ng FBI sa mga ari-arian ni Trump.

Wala aniya sa kasaysayan ng US na ni-raid ang mga personal residence ng mga dating pangulo.

Nagpatawag naman ang House Intelligence Committee ng briefing sa director ng FBI ukol sa ginawa nilang raid.

Magugunitang ni-raid ng FBI ang nasabing personal residence ni Trump dahil sa alegasyon umano na mayroon itong itinagong classified records na galing sa White House.