-- Advertisements --

Lumitaw ang iba’t-ibang inaakusang pagkakamali ng ABS-CBN Corporation sa pagdinig ng Senate committee on public services.

Bagama’t sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR), National Telecommunications Commission (NTC) at Securities and Exchange Commission (SEC) na wala itong kaso sa kanilang tanggapan, mismong mga senador ang nagsabing nakaranas ng mga paglabag ng network.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Joel Villanueva, may mga ads silang hindi nailabas.

Si Sen. Lito Lapit naman ay iniangal ang kawalan ng buong benepisyo ng mga talent ng ABS-CBN.

Humingi naman ng paumanhin si ABS-CBN CEO Carlo Katigbak nang maungkat ni Sen. Bong Go ang pagkaka-ere ng paninira kay Pangulong Duterte, ngunit naisantabi ang broadcast material ng noo’y kandidato pa lamang na si Mayor Duterte.

Naging emosyunal naman sa kaniyang saloobin si film director Joel Lamangan sa isyu ng posibleng pagpapasara sa TV network.

Samantala, nagpasalamat naman ang KBP sa naging aksyon ng mga mambabatas at sa pangulo para sa mga prangkisang nakabinbin sa dalawang kapulungan.